A tryenta ng Disyembre ng binaril ng mga guardia sibil si Rizal na naging hudyat naman ng himagsikan sa bansa. Hindi man ganap na nakamit natin ang kalayaan ay naging daan naman ito upang magkaisa ang karamihan sa mga Pilipino at naitatag nga ang Unang Republika ng Pilipinas. Iyong nga lamang ay naudlot dahit muli tayong sinakop ng mga Amerikano. Dumating ang pangalawang digmaan at sinakop naman tayo ng mga Hapon. Muling nagkaisa at nakipaglaban ang mga dakila nating sundalo at gerilyerong Pinoy. Napatalsik ang Imperyo ng Hapon sa Pilipinas sa tulong na rin ng mga Amerikano. Nakamtan natin ang kalayaan noong July 4, 1946 mula sa Estados Unidos at tayo’y naging isang malayang bansa ng Asia.
Ngayon at tayo’y malaya na bilang isang bansa ay katakot-takot naman problema ang ating hinaharap dahil na rin sa hindi magandang pamumuno sa gobierno at ang di pagkakaisa ng mga Pilipino dahil na rin sa ideolohiya at pulitika ng bansa. Gayon pa man kahit sabihin nilang “run like hell” ang ating bansa mas maigi pa rin kaysa tayo’y Kolonya ng makapangyarihang Amerika. Bagamat ganon ang ating sinasabi, sa hirap ng buhay ngayon sino nga ba ang ayaw manirahan sa Amerika?
Maganda ang pangarap ni Rizal para sa bansang ito kaya kanyang isinakripisyo ang sariling buhay. Ngunit hanggang kailan kaya tayo na maghihintay upang mabuo ang pangarap ng ating dakilang bayani?
No comments:
Post a Comment